Sharing my PAGIBIG housing loan journey

Amount of Property: 3,500,000
Desired amount for PAGIBIG loan: 3,500,000
Principal borrower (w/o co-borrower)
PAGIBIG branch: CALAMBA
Direct to seller

Sa housing loan application may option to loan WITH cost of transfer of title kaya ayun na ang pinili ko tho need ng approval pa raw sabi ng PAGIBIG employee pero if na-deny hindi na need mag-pasa ulit ng mga papel kaya grinab ko na na applyan din.

Upon application, icconfirm if nasa PH ang seller OR willing si seller na pumunta sa branch kasi if na-approve ang loan ko mandatory na pumunta sa branch para sa mga signature (minimum 2 times), if hindi possible, need ng SPA for attorney-in-fact. In my case, mahilig mag-travel ang seller kaya nag SPA nalang.

Notarized SPA original copy ang need ipasa then may additional form (Authorized Representative Information Sheet) na isasama if WITH SPA. Pinabalik pa ako kasi hindi ako binigyan ng form na 'to nung unang punta ko sa branch so better makahingi na kayo if needed.

On the day of application, nagkaroon na rin ng seller's validation (ito 'yung supposedly may sched na gagawin for a call with seller pero sa experience ko on the spot na agad). Need ng videocall with PAGIBIG employee tsaka seller for validation and to inform na need nila pumunta sa branch if may NOA na. If may travel history ang seller, need ng photocopy ng passport or photocopy of roundtrip ticket. Si applicant ang need mag print ng mga validation (plane tix at screenshot ng call) so babalik na naman sa branch pag na-complete.

During application din need na magbayad ng processing fee and appraisal fee na 3,000. MAG-READY NG CASH, kasi jusmiyo, ang nangyari sa akin nag-withdraw pa ako then pag balik ko pipila ulit para sa payment. If may ready na cash na kasi, 'yung mag rreceive ng application na ang sasama sa'kin sa payment so no pila na sana. Pagkabayad, may receiving copy na ibibigay and resibo.

Additional info is that new ang aking employer (2 months palang ako), and may bearing sa application kapag hindi pa nagrereflect ang NEW employer sa PAGIBIG account. Kaya better na magpa-tag na agad. If hindi pa kaya, hindi naman daw basta basta iddeny nang walang pasabi ng cause, bibigyan pa ng time na ayusin ang discrepancies before i-deny.

TAT for application to NOA is 20 working days daw. Ayun, share ko lang ang experience ko para sa mga mag-aapply, ka-aapply ko lang kasi this October kaya ito palang ang mga info hehe