Imposter Syndrome gone
Akala ko hindi ako marketable, hindi lang pala ako nag-aapply sa maraming companies.
Totoo nga ‘yung sinasabi nila na ang totoong paghuhunt ng jobs ay kapag nakapag-send ka na ng 25+ applications sa companies. Ginawa ko, sa 25+ na ‘yun ay 7 lang ang binalikan ako. Sa 7 na ‘yon, at least 20 interviews na napagdaanan ko (iba-ibang level). Sa interviews na ‘yon na-develop ko comm skills ko at mas natutunan ko kung sino talaga ako. Sa 7 na ‘yon, 2 na ang nag-offer na dinecline ko dahil ang mga inaabangan ko may better offers, 3 ang nasa second level ng interview ako, at 2 ang final interview ko na. Iyong dalawang final interview ko na ay ang dalawang gusto ko talaga ang offer. ‘Yung isa sa kanila minamadali dahil sinabi kong may pending app din ako na final interview na rin, so they set the final interview agad right after the preceding one. Naniniwala ako na kahit isa sa kanila tatanggapin ako, bonus na lang kung pareho para makapili ako.
Gusto ko lang i-share na may mga araw na down na down ako sa paghhunt ng jobs. I questioned my worth. I’ve been settling for less, iniiyakan ko pa. Nireredirect lang pala ako to better opportunities.
[Update: I got the job na sa first one na nag-final interview and I withdrew my application sa isa. Going employed na yayyy!!]