Niyaya ko yung crush ko na sabay kami mag lunch and to confess na din pero wala parin syang response.

Problem/Goal: Gusto kong mag confess sa crush ko na crush ko sya and gusto ko syang ligawan

Context: Hi, asking advice. I'm 28(M), may ka workmate akong crush ko and hindi ko kayang sabihin sa kanya and kagabi, nagkalakas ako ng loob i message sya sa fb since friend naman kami, inaya ko sya na sabay kami mag lunch bukas and if kung okay lang sa kanya na dalawa lang kami since plano ko na din sabihin sa kanya (torpe ako kaya ang hirap humugot ng lakas ng loob XD) pero since last night, wala pa syang reply, nakikita ko naman syang online pero wala paring syang reply. Nag ooverthink nako if ayaw nya kaya hindi sya nag reply or what. Any advice po?