My boyfriend is doing favors for his brother's girlfriend
Problem/Goal: My boyfriend doing favors for his brother's girlfriend
Context:
and I feel kind of jealous. Insecure lang ba ako or uncomfy din pakinggan? Feeling ko ang lambot ng boses nya pag nakikipag usap siya sa kanya hindi naman ganon kalambot boses nya if friends nya kausap nya. Then sa favors, di naman ganon kabait kuya niya sa akin like never akong nagawan ng favor ng kuya niya, feeling ko nga iniiwasan ako ng kuya nya pero I understand naman kasi siguro delicadeza lang din or he just don't like me at all. Pero siya super bait at all out yung help sa girlfriend ng kuya nya, like pinag dadrive nya papuntang hospital, pharmacy kasi may sakit daw (lagnat) may work siya niyan. Nag ooverthink lang ba ako at naiinsecure ako? or may something ba talaga? And feeling ko defensive din siya pag naikikwento nya na tumulong siya like nung pinag drive nya yung girlfriend ng kuya nya, pinaliwanag nya na wala daw ibang mag dadrive for her, busy daw lahat pero hindi ko super gets, anong sakit ba yung para sa inyo, di niyo kayang mag drive?
Edit: Hello! Thank you sa mga opinion niyo pero nakalimutan kong iadd, foreigner si boyfriend ko. Tapos nakaugalian kasi namin everyday na he'd tell me about his day and ayun doon ko narinig yung about sa hospital thingy na may konting kulang na details. Originally pala is yung mama niya yung mag dadrive para sa girlfriend ng kuya niya, pero need niya mag work na that time at inutusan siyang siya nalang mag drive. Tutal nasa likod lang naman ng bahay nila workplace niya pwede niyang isingit. Tapos pinag drive niya lang pala literally like drop off tas balik siya sa work then text ulit yung girl papasundo tapos bili ng gamot at tapos na. Super OA ko din gawa na din siguro na may period ako kaya lahat nalang sakit sa ulo for me. Kahapon pagkagising niya di ko na siya kinausap tas pakonti konting details ina ask niya kung saan siya nagkamali, hanggang natumbok niya yung about sa girlfriend ng kuya niya and he said na di niya alam na maiinis ako sa part na yun and nag promise siya na di na niya gagawin or if ever na life and death eh tatawag siya ng 911 pag di ako pumayag next time. Pero thank you sa mga community na to kasi I was able to vent off and later natimbang ko and narealize ko na medyo OA ako at iba din yung siguro culture nila. I am happy na gawa ng panggagatong sa comment section eh muntik nakong makipag break, na naglead sa panghuhula niya kung saan siya nagkamali or naka offend and naclarify niya na lahat, kaya medyo ok na kami. (Medyo lang kasi nahihiya ako sa reaction ko super OA kaya magpapakipot ako ng mga 20% muna hahaha)