Reasonable ba makipag hiwalay kasi di kana masaya?
Problem/goal: It makes me sad, na talagang kahit ano gawin ng bf ko hindi na talaga kaya ng puso ko. Gusto na talaga umalis sobrang bigat na.
As of now wala kong reason na mabibigay sakanya bakit ko sya iiwanan, iniisip ko sapat na ba yung "Di na masaya?"
Lahat naman kasi tayo may ups and downs sa relationship. Pero yun nga e, wala naman kami away, so consider to as "ups" diba? Pero pinililit kong maging masaya, hindi na talaga e.
Kahit san ko makita or hanapin, ayaw na nang katawan ko tanggapin sya sa buhay ko.
Wala syang history of cheating ah, pero grabe kasi mga away namin before. NOW, he's changing na UNTI UNTI, pero I can't seem to look at it in a good way anymore. I can't seem to think na magiging better partner na sya, hindi e. Hindi ko na talaga nakikita yon sa dami kong sinabi sakanya na baguhin nya. Wala na yung genuine change na nakikita ko. Alam ko kasi na effort ko yun, na parang robot sya na kino-command ko lang kaya sya nag bago.
Mga goals rin namin hindi aligned. Sya gusto nya talaga ng anak, ako nag dadalwang isip pa. Sya gusto nya half half kami sa gastusin pag nag family, eh sabi ko sakanya I can contribute pero di pwede nya ko asahan especially pag kakapanganak ko palang e expected na agad na mag tatrabaho ako kahit baby pa mga bata?
Ayaw ko na parang he's expecting na always lahat ng bagay is in his control or in favor sakanya. Wala syang alam sa mga babae, about sa hardships of being a mother, ang taas taas ng expectation nya na babae is dapat ganto sahod, eh sya ba, nag set ba ko ng expectation magkano dapat sahod nya?
Mga ganyan usapan, di kami nag ma-match talaga. Gusto ko na umalis. Pero di ko alam what's holding me back.