What's the difference of making time sa tao and available lang pag convenient sakanila?

I KNOW. Busy naman lahat tayo bilang adults. Pero I really feel like hindi talaga ko kasi naalagaan sa relationship. Hindi ko alam kung di lang ba ako understanding? Or demanding ba ko masyado?

Gusto ko lang naman na may "time" yung partner ko to make sakin at least once a day. Like he can chill out and have a chitchat sakin for 30 min to an hour a day if sobrang busy sya sa araw nya.

Pero wala e, wala talaga. Ang routine nya (pang gabi work nya) gising sya ng hapon, magsasabi na kakain lang sya or lalaro, then sasabihin nya mag mall or gym sya or grocery then mag uupdate ulit na nasa bahay mga 7pm na e 8pm ang duty nya. So wala talaga kami time to talk KAHIT sa chat. Di ko sya kinukulit pag nasa labas sya kasi hindi rin sya pala-reply.

Puro updates lang sya sakin, like oo good naman nagsasabi sya sakin. Pero natapos na yung araw na ganun nalang lagi. Sabado linggo naman, more on me time nalang time at tinatamad nako minsan pag nag yayaya sya mag games kasi sinanay nya na ko na hindi talaga kami nag lalaro na recently. Nung mga unang months namin we always play pero recently wala na talaga kahit weekend.

It makes me sad and frustrated. Kasi feel ko he has so much priorities in his life and he can't make time na sakin. Feel ko 2nd option lang ako sa daily routine nya.

Nag de-date naman kami once or twice a month. Pero the rest of the month, same routine di halos nag uusap.

Ako naman routine ko, after work, phone lang ako then nap then pag gising sideline naman. That's my routine. I can reply MABILIS kahit during sideline pa ko. Pero sya wala, never syang mabilis mag reply sakin ever since.

Correct me if I'm wrong, is there a difference ng taong kaya mag "make time" kahit busy, don sa taong pag totally convenient lang sakanila tsaka ka kakausapin?