Paano ko sasabihin na cancer ang findings niya?
Ang hirap. Di ko alam paano sasabihin sa papa ko na may cancer sya? Siya pa naman ang tipo ng tao na sensitive at medyo magagalitin at maindahin sa sakit. Ang alam lang niya kaya siya nanghihina ay dahil sa bukol niya sa sikmura. Gusto niya ipaopera agad para gumaling na daw siya. Pero as per result ng test may stage 4 cancer sya. At wala na daw lunas.
Ang bilis ng pangyayari. Malakas pa sya until November last year. Nanghihina ang buong pamilya namin dahil sa pagsubok na ito.