They stole my dream wedding
My ex recently got married. We were in an almost 5-year relationship. Parehong stable na and financially ready. Nasa point na rin kami noon na casually napag-uusapan ang proposal at wedding.
In fact, he already asked for my ring size, what type, design of egagement ring ang gusto ko, wedding venue, style ng gown at barong/tux nya, etc.
Come 2023, he got an opportunity to work abroad. Same company, sa head office nila sa New York. Ok naman kami sa LDR nung una. Supportive naman ako and he even asked me to bond with his parents, bisitahin ko daw paminsan-minsan while he's away (only child sya). Ginawa ko naman and naging close nga ako kay tita.
Mga 6 months na ata sya dun nung napansin ko dumadalang yung messages, calls, yung updates, lalo na yung intimate moments at landian. Pag ako nag iinitiate, sasabihin nya pagod na sya, antok na. Fine, time difference. Hanggang sa sobrang cold na ng treatment nya. I asked him what's wrong, what's going on. Pagod lang daw at stressed sa work. Hindi na ko nagulat nung he asked to break up. Ako lang din daw mahihirapan kasi mas clingy ako. Unfair daw sakin. E di fine, wala naman akong magagawa (chos! Sana ganun nga ko ka chill noon at hindi nagmakaawa at humagulgol. Namayat ako nun sobra.) Tinawagan din ako ni tita nung malaman nya, nag sorry pa sa akin and sabi baka naman maayos pa namin pag balik nya.
Until last December, si tita (mama nya) shared an album of wedding photos sa Facebook. Nakalimutan kong friends nga pala kami. Hindi naman kasi sya pala-post at akala ko inactive account yun so nawala sa radar ko nung nag purge ako ng mutuals namin.
He got married. I know in myself na I've already moved on kahit na I remained unattached after the breakup. Alam ko ding nagka gf sya agad a month after nya makipag break. Nakapag grieve na ako dun. So curiosity na lang talaga nagtulak sakin na magbrowse ng wedding photos nya.
But the whole thing seems familiar. The motif, the venue, even the flowers. There's a photo of their rings too. Exactly the same design as the engagement ring na gusto ko sana (iba lang yung isang birth stone kasi di naman ata kami pareho ng birth month nung wife). May SDE video din sila and pinanood ko. Dun ako naiyak sa music na ginamit while the bride is walking down the aisle. It's not a common wedding song, heck it's not even that popular kaya sure akong sakin din galing yung idea na yun.