Pls help! Hindi ko na raw makukuha yung deposit ko na 4.7k :(
1 month palang ako sa 3pax bedspace worth 4.7k per head. Nung una solo pa ako, pero nung wala nang mahanap, ang dinagdag ay yung mismong staff ng building, sobrang daming gamit at matatanda na (no offense kasi may arinola sa loob at amoy oil na yung room). So naghanap na ako ng solo room sa ibang dormitory.
Ngayon kakasabi lang sa akin na hindi ko na raw makukuha yung deposit ko kasi 1 month pa lang ako, dapat daw 2 months. Ang problem hindi naman nasabi sakin yun nung nagpirmahan at inask ko kung nasa contract ba na pinirmahan ko.
Pinapabayaran din ako ng 1k plus sa bidet na nasira ko pero 3 weeks before sinabi ko na yon na nasira yung pindutan nung pagkapihit ko. Wala namang lumalabas na tubig noong time na yon. Di naman pinapabayaran sakin dati pero ngayon sinabi nung paalis na ako.
Main reason kung bakit ako aalis kasi ang ineexpect kong mga tenant lang ang kasama, hindi mga caretaker, sobrang dami nilang gamit compared sa nakikirent lang since doon na sila nakatira. Isa pa pagkinakausap nila ako sobrang bait pero pagdadaan ka at iba kausap nila sa phone or nagsasalita magisa, sobrang rude at nagmumura. It just feels off.
Ayoko na magstay dito pero sobrang sayang yung 4.7k ko na deposit :(((((