I have a mom like angelica yulo
Nakakapagod talaga kasi literal na verbal abuse maabutan ko sa nanay ko. Pag hindi niya nakukuha yung gusto niya, mumurahin niya ako at sisiraan ako sa mga kamag-anak namin. (Pero hindi naman ako bothered kasi hindi ko naman sila close, at lumaki ako na walang pakialam sa opinyon ng iba, maliban na lang kung family or main circle.)
Halimbawa: Mom: "Bayaran niyo yung sinangla kong alahas." (P.S. Sugalera siya at nasangla na niya yung ibang properties namin. Hiwalay sila ni Daddy pero hindi pa legally.) Kapag hindi ako magrereply, sasabihin niya: Mom: Wala kayong utang na loob. Nilaan ko oras ko para alagaan kayo, tapos wala kayong respeto sa akin." Mom: “ gago kayo samantala kase wala pa kayong mga anak”
Ngayon na hindi ko siya pinapansin, inaakusahan niya ako na nagnakaw ako ng bank cheque sa Ama Bank, na NEVER kong gagawin. Hindi ako nakikipagtalo sa pamilya. Pero siya, nagnakaw na sa bahay namin dati—₱20,000 ng kapatid ko. Noong inalala ko yun sa kanya, syempre dine-deny niya at binaliktad pa kami. Sino ba naman magnanakaw na aamin?
Tungkol sa issue nila Angelica at Carlos Yulo,nakakasawa na marinig yung sinasabi ng tao. "Respect your parents," pero hindi nila alam gaano kamanipulative yung ganon magulang.
Sa mata ng iba, parang napakabuting ina ni Angelica, at sinasabi pa ng mga tao, “Kapag nakita ko nanay ko na umiyak ng ganun, yayakapin ko siya.” Pero maniwala ka, ginawa ko na rin yun sa amin, niyakap ko siya, pinatahan ko siya , pero pinaaikot lang niya kami. Sawa na ako promise
Kaya tuwing nauungkat nalang yung issue ni yulo , ayoko na magbasa ng comment, kase nakakadrain promise
Believe me when i say, maswerte un mga nagsasabe na respetuhin mo parin yan , nanay mo parin yan, kase wala kayong trauma na trauma namin , hindi niyo naramdaman lokohin kayo ng sarili niyong kadugo. Kase nasasabe niyo yan, at mataas parin ang respeto niyo. Ganyan din mindset ko dati, like kahit anong mura abutin ko, hindi ko pinapatulan , niyayakap ko nalang, pero hindi e, kahit anong mabuting gawin ko saknya masama parin ako sa mata niya. Mas mabait pa nga yan sa ibang tao kaysa sa pamilya niya, mas nakikinig pa yan sa iba kaysa samin.
Meron pa nga scenario: Mom: mabuti akong anak never ako ginulpi ng nanay ko tapos kayo mga salbahe kayo kaya kayo nagugulpi nun bata kayo , mga walang kwentang anak
Pero ang pagkakalat niya, is pinagmumura namin siya pero take note ah wala kameng nirereply.
Sa mga naniniwala sa nanay ni yulo Sure ako kapag nabasa niyo mga message nun sa anak niya , dun niyo makikita gaano kawalang hiya, hindi kona need ng proof , alam ko na. Kaya kung lapagan man nako baka binura na niya mga pinagssbe nia sa anak niya.
For carlos yulo! Congrats! Hindi ka nagiisa, maging masaya ka !