Batang hindi marunong magtagalog
Iritang irita talaga ako sa tita ko na pinalaki ung anak nilang panay english. nung una oo cute pa, pero bandang 4-5 yrs old na ung bata nakakainis na. Last New Year's Eve nagrant sya na kesyo daw hirap ung bata sa school kasi daw di naiintindihan ung teacher. ABA PUSANG GALA, kasalanan nyo yan nasa public school ang anak nyo buti sana kung sa International School inenroll yang bata. Ngayon ung bata ang nagsusuffer, may social issues kasi hindi makapag enjoy kasama nung ibang pinsan at kalaro, hindi rin makapag express ng maayos ung bata sa magulang and vice versa kahit hirap sa languange barrier (dahil basic english lang din naman si tita). jusko mga di nag-iisip na magulang hays.