My boyfriend is doing favors to his brother's girlfriend

I kind of feel like an insecure girlfriend pero feeling ko talaga may something or nasa-sad lang ako pag super nice siya sa girlfriend ng kuya niya. Kasi naman ibang iba talaga yung mannerisms nya when he is talking to her like the first time, bumaba ako from our room, they are talking about something tapos yung peg nya eh parang cool guy na nakasilip sa pinto basta imagine nyo nalang naka peek siya ng konti tapos super lambot ng boses nya. I am a very observant person kasi tahimik lang ako at hobby ko na yun. At based sa nakikita ko eh di naman ganon tono nya pag nakikipag usap sya sa friends nyang girls, ibang tono din sa ibang tao, mga ganun. Pero sa girlfriend ng kuya niya super iba talaga like ang kalmado na super lambot. Tapos yung pag help nya like naalala ko before pag may work siya di na ako nang iistorbo at nag babike ako when I need something lalo pag malapit lang pero yung girlfriend ng kuya niya, sinusundo niya, hinahatid. Tapos yung kahapon lang eh nagkasakit yung girlfriend ng kuya niya, anong level ba ng sakit yung di niyo na kayang mag drive? kasi siya pinag drive nya papuntang hospital, pa pharmacy as in kulang nalang alagaan niya na. Which I find odd kasi yung kuya niya is very iwas sa akin. Feeling ko delikadeza nadin gawa ng di naman kami same gender at may girlfriend siya or di nya ko bet para sa brother niya. Hayy

Edit: Hello! Thank you sa mga opinion niyo pero nakalimutan kong iadd, foreigner si boyfriend ko. Tapos nakaugalian kasi namin everyday na he'd tell me about his day and ayun doon ko narinig yung about sa hospital thingy na may konting kulang na details. Originally pala is yung mama niya yung mag dadrive para sa girlfriend ng kuya niya, pero need niya mag work na that time at inutusan siyang siya nalang mag drive. Tutal nasa likod lang naman ng bahay nila workplace niya pwede niyang isingit. Tapos pinag drive niya lang pala literally like drop off tas balik siya sa work then text ulit yung girl papasundo tapos bili ng gamot at tapos na. Super OA ko din gawa na din siguro na may period ako kaya lahat nalang sakit sa ulo for me. Kahapon pagkagising niya di ko na siya kinausap tas pakonti konting details ina ask niya kung saan siya nagkamali, hanggang natumbok niya yung about sa girlfriend ng kuya niya and he said na di niya alam na maiinis ako sa part na yun and nag promise siya na di na niya gagawin or if ever na life and death eh tatawag siya ng 911 pag di ako pumayag next time. Pero thank you sa mga community na to kasi I was able to vent off and later natimbang ko and narealize ko na medyo OA ako at iba din yung culture nila and I am happy na gawa ng panggagatong sa comment section eh muntik nakong makipag break, na naglead sa panghuhula niya kung saan siya nagkamali or naka offend and naclarify niya na lahat, kaya medyo ok na kami. (Medyo lang kasi nahihiya ako sa reaction ko super OA kaya magpapakipot ako ng mga 20% muna hahaha)