Ang Mayabang na Kapatid ni Papa, Kinarma na. [LONG STORY]
I (22 f), recently graduated and may maayos na trabaho ngayon. Hindi man kalakihan ang sahod, pero nakakatulong pa rin naman sa pamilya at sarili. Noong college ako, nakitira ako sa pamamahay na ‘to knowing na sa papa ko ito mapupunta. Simula non, di na natahimik ang buhay ko at nadadamay na rin pati ang sarili kong pamilya.
Backstory: Noong november 2023, natural na umuuwi dito yung dalawang kapatid ni papa dahil nga pumupunta sila sa cemetery kung saan nakalibing si lolo. Hindi naman ganun kalaki ang bahay to occupy everyone kaya hinayaan ko na lang na pumasok-pasok sila sa kwarto ko dahil di naman big deal for me. Mahigit 2 linggo rin sila nagstay dito at noong umuwi sila. May nawala akong 2 gamit sa kwarto, isang mumurahin at isang medyo expensive. Natural na tanungin ko ang mga tao rito sa bahay kung may nakita ba sila na gamit na ‘yon pero hinding-hindi ako nanisi. PERO nagtatag ako ng boundaries ko, nagsimula na ako mag-lock ng kwarto. This is where it all fucked up, sinisi ng lola ko yung kapatid ni papa tungkol sa gamit na nawawala. Sa akin naman nagalit yung kapatid ni papa kasi raw pinagbibintangan ko daw siya.
Noong nagkaroon ng conflict yung papa ko at lola ko, nagalit sakin yung kapatid ni papa na yun dahil bakit wala akong ginawa para i-defend yung nanay nila at pinalayas kami rito sa bahay dahil “sa nanay naman namin itong bahay”. Sinugod ko yung lola ko at pinsan ko (na nakikitira lang din tulad ko), sinabi ko sa kanila na pinalayas ako ng anak niya. Nakapagmura ako pero hindi direkta sa kahit na sino, sinabi ko na lang na “parang gago naman”. The next day? Pinaringgan na ako sa fb dahil ako raw yung “dalaga na wala namang narating” at blinock niya ako after. Mas lalo akong nagalit sa kanya, not to mention na kinalat pa niya sa mga kapitbahay na siya yung biktima. Thankful na lang din ako sa kapitbahay namin na hindi naniwala sa kanya.
Dumating din sa punto na dito na kaming lahat ng pamilya ko nakatira (mama, papa, at dalawa kong kapatid). Nakiusap yung lola ko samin na kung pwede dito makituloy yung dalawang anak nung kapatid ni papa na yon. Wala namang problema samin, kasi nagkagulo na naman dahil gusto ng kapatid ni papa na may sariling kwarto yung mga anak niya dito. Pwede naman, kaso mga kapatid ko naman ang mawawalan ng kwarto in which I find unfair kasi sinasabi nila na kay papa na itong bahay pero yung mga nakikitira ang merong kwarto? Pumalya talaga ako at nakiusap sa lola ko, pinakinggan naman ako. Pero nagalit yung kapatid ni papa na ‘yon, imagine umagang umaga nagsisigaw sa bahay. Nagpaparinig, laging galit, pero NEVER ko siyang pinatulan. Just imagine yung pagtitimpi ko sa kanya simula pa noong una.
Nagkaroon ng family discussion tungkol sa issue naming dalawa. Pinipilit nila ako mag-sorry kasi raw bakit ko raw sinabihang “gago” yung tita ko. Tawagin niyo na akong bastos at walang modo, pero hindi ako nagso-sorry lalo na kung hindi naman ako yung mali. Nag-open up siya na ayaw niya raw mapunta tong bahay sa papa ko dahil sakin at hindi niya raw matanggap na walang space yung mga anak niya dito sa bahay na to. Inopen up din niya yung topic tungkol sakin, kasi raw minura ko siya at sinisisi sa gamit na nawala.
I. fucking. snapped.
Hindi ko alam what got over me pero nagdilim yung paningin ko. Simula noong inopen up niya na yung issue tungkol sakin, nag-snap ako in a middle of a family discussion. Sinabi ko sa kanya na pinalayas niya ako kahit hindi naman niya ako pinapalamon at pinagtatanggol ko yung sarili ko sa kanya. Nakakapagmura na ako pero tangina it feels so good kasi ILANG BESES AKO NAGTIMPI SA KANYA. Hanggang sa sinabi niya na wala pa raw ako nararating sa buhay ko at kaapelido ko lang daw sila dahil sa tatay ko. My response? ANO BANG MERON SA APELIDO NIYO? TINGIN NIYO BA GUSTO KO MAASSOCIATE SAYO NA ESTAFADORA?” then ayun umiyak na siya at ako na naman ang masamang tao sa buong mundo.
Fast forward, nag-away sila nung isa pang kapatid ng papa ko at pinalayas sila dito the next day. Naglakas loob silang mangupahan sa apartment. Simula nung inaway niya ako, nagsunod-sunod na ang karma sa buhay niya. 1. Sinangla niya yung bahay nila at wala silang pambayad. 2. Napauwi nang maaga yung asawa niyang seaman dahil sa injury 3. Pinutulan sila ng kuryente dahil nahuli na nagpapajumper sa kapitbahay (it’s either pay the fine or imprisonment) 4. Nagkasakit yung anak niya dahil sa obesity 5. Nagkaroon siya ng bell’s palsy 6. Nawalan siya ng mga kaibigan dahil sa ugali niya 7. Hinahunting siya ng mga NPA dahil sa utang niya 8. Naghihirap na sila at umaasa ngayon sa pension ng lola ko to the point na 50 pesos na nga lang hinihingi pa sa lola ko 9. Yung panganay niyang anak (na masama rin ugali) wala nang pambayad sa tuition dahil nasa private school 10. Lumiliit ang mundo niya at lagpas sampu ang karma na dumating at dumadating sa buhay niya.
Ngayon, dito na ulit sila nakatira sa bahay na ‘to dahil pinalayas sila sa apartment na nirentahan nila kasi wala na silang pambayad. Kami na yung aalis dito sa bahay na to dahil hindi ko kaya yung sama ng loob lalo na kung araw-araw ko silang kasama.
Masasabi ko lang is ang lala ng toxic family shits sa culture ng Pilipinas, kapag bata ka pa, kailangan tiklop tuhod ka sa mga mas matanda sayo. But I broke that chain, wala na akong pake kung sabihin niyo man na bastos ako at walang galang. Pipiliin ko na yun kaysa naman ginaganito ang pamilya ko.